Hindi napakinabangan ng isang babae ang mga umano’y inumit nitong paninda sa department store ng isang mall nang masakote ng awtoridad sa Makati City, nitong Linggo ng hapon.

Nakakulong sa Makati City Police ang suspek na si Precious Camille Forcadilla, 31, ng Unit 412, Sunny Ridge Tower, JP Rizal Street, Barangay Namayan, Mandaluyong City.

Naghain ng reklamo ang kinatawan ng mall na si security officer Edmundo Catacutan, 40, ng No. 2542 Paulino St., Kalawaan, Pasig City.

Aniya, naganap ang insidente sa loob ng isang mall sa Ayala Center, Bgy. San Lorenzo, sa Makati City, bandang 5:30 ng hapon.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Tinangka umano ni Forcadilla na ilabas ang iba’t ibang paninda, na isinilid sa isang plastic bag, nang hindi dumaraan sa kahera.

Kinumpronta ng guradiya ang suspek at wala itong maipakitang resibo kaya tuluyang binitbit sa presinto.

-Bella Gamotea