Dahil sa serye ng panghoholdap, magpapakalat ng undercover na mga pulis sa mga establisyemento sa Caloocan City.

Ito ang inihayag kahapon ng Caloocan Police, at sinabing iisang sindikato lamang ang nasa likod ng holdapan sa mga restaurant sa lungsod.

Ayon naman kay Supt. Ferdie del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration (ACOPA), sindikato rin ang responsable sa mga holdapan sa ilang restaurant sa Quezon City, kamakailan.

“Mga sanay grupong ito. Makikita mo sila sa galawan, mabibilis at talagang pinag-aaralan.Tapos yung mga gamit nilang baril puro cal. 45 at 9mm wala kang makikitang cal. 38 revolver,” ayon kay Del Rosario.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Orly L. Barcala