Isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang lalaki habang nagsasagawa ng clearing operations sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa ospital ngunit namatay din si Ruben Panindian, 42, ng MTPB Towing 1, taga-2136 San Andres Bukid, Maynila. Siya ay tinamaan ng bala sa likod ng ulo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), naganap ang insidente sa bahagi ng MICT, Isla Puting Bato, Parola Compound sa Tondo, bandang 10:00 ng umaga.

B a g o a n g p a m a m a r i l , n a k a t a n g g a p n g reklamo ang MTPB mula sa Manila International Container Port (MICT) hinggil sa umano’y mga truck na ilegal na nakaparada sa naturang lugar, kaya nagsagawa ng clearing operations ang grupo ng biktima.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Habang nakikipag-usap ang biktima sa isang babae, bigla itong nilapitan at binaril ng suspek.

Pat u loy ang masus ing imbestigasyon sa insidente.

-MARY ANN SANTIAGO