Patay ang isang pedestrian nang masagi ng tractor head truck habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Rosario, Pasig City, nitong Linggo ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Ricky Ramos Lomitao, nasa hustong gulang, bunsod ng pinsalang natamo sa ulo at katawan, habang arestado at kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng truck na si Arnel Abo-Abo Sampayan.

Sa ulat ng Pasig City Police sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Alfred Corpus, nabatid na dakong 1:40 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Rosario.

Tumatawid umano ang biktima nang aksidenteng masagi ng kaliwang hulihang bahagi ng Isuzu tractor head truck (ABL-6991), na minamaneho ni Sampayan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa lakas ng impact ay tumi lapon ang biktima at nabagok, na nagresulta sa kanyang kamatayan.

-Mary Ann Santiago