Batang Pinoy, nadomina ang ASEAN chess tilt

TAGAYTAY CITY – Pinataob ni Antonella Berthe Racasa ang kababayan na si Roilanne Marie Alonzo at kinasiyahan ng resulta ng mga laro ng apat na co-leaders sa final round para makamit ang kampeonato sa standard girls Under-12 ng 2018 ASEAN+ Age Group Chess Championships kahapon sa Royal Mandaya Hotel dito.

Tumapos si Racasa, 11 at pambato ng San Roque, Marikina, na may 6.5 puntos – kalahating puntos ang bentahe – kina Vietnamese Nguyen Hoang Thai Ngoc, Nguyen Thi Mai Lan at Nguyen Phuc Yen Nhi (6.0).

Bunsod ng panalo, nakamit din ni Racasa ang Woman FIDE Master title.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Tabla kina Alonzo, Vietnamese Bui Ngoc Phuong Nghi, Nguyen Hoang Tha Ngoc at Nguyen Phuc Yen Nhi na may 5.5 puntos papasok sa ikasiyam at huling round ng torneo, nakaangat si Racase sa tanging panalo na naitala sa huling araw ng kompetisyon sa naturang dibisyon.

Nabigo si Bui kay Nguyen Thi Mai Lan, nakihati ng puntos si Nguyen kay Pinay Kimberly Colaste, gayundin si Nguyen laban kay Francesca Lagro sa torneo na itinataguyod ng Chess Events International, at sanctioned ng NCFP, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at Davao City Mayor Sara Duterte.

Maituturing come-from-behind ang tagumpay ni Racasa matapos maghabol sa kabiguang natamo sa una at ikaapat na round, ngunit nagawa niyang makaiskor ng 3.5 puntos sa huling apat na laro, kabilang ang panalo kay top seed Bui sa penultimate round.

“Turo po sa akin ni Tatay na huwag agad sumuko. Kung natalo, bawi, may mga susunod na laro pa naman,” sambit ni Racasa, patungkol sa ama na si Robert, itinuturing na ‘Ama ng Memory ‘ sports sa bansa.

Umani rin sina International Master Paulo Bersamina at WFM Shania Mendoza sa premier U20 section, gayundin si Dale Bernardo sa U18, Ronald Canino sa Open U16 at Kaye Lalaine Regidor sa girls’ U10.

Tumabla s i Bersamina, two-time Olympiam, kay IM John Marvin Miciano para sa kabuuang 7.5 puntos, habang ginapi ni Batumi World Chess Olympiad-bound Mendoza si Laila Camel Nadera para sa 7.5 puntos at makamit ang WIM title at a WGM norm.

Nakamit naman ni Bernardo ang titulo laban kay Far Eastern U standout John Merill Jacutina via win-over-the-other-rule, habang si Canino, tumabla rin kina Vietnam’s FM Pham Phu Vinh at Bui Duc Huy, ay nagwagi via tiebreaks.

Nakopo naman ni Regidor ang gintong medalya nang gapiin si Mecel Angela Gadut para sa kabuuang 7.0 puntos.