IPINAGDIWANG kamakailan nina Maricar Reyes at Richard Poon ang kanilang 5th wedding anniversary. June 9, 2013 nang ikasal ang dalawa sa isang Christian ceremony.

Maricar

Matatandaang nagkakilala sila sa Victory Christian Fellowship noong 2012. They got engaged makalipas ang isang taon.

Dentista by profession si Maricar. Nagtapossiya ng Medicine sa University of Santo Tomas, at naipasa ang physician licensure exam noong 2008.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagsulat ng aklat sina Maricar at Richard na kakaiba ang tema kumpara sa mga librong isinulat ng ibang showbiz personalities. Sa limang taon ng kanilang buhay may-asawa ay marami silang natututuhan sa sa isa’t isa. Ito ang nagbunsod para maglabas ng libro sina Richard at Maricar, ang 10 Things We Fight About.

Samantala, inihahanda na ni Maricar ang isang bagong libro na tungkol naman sa personal niyang buhay. Isisiwalat niya rito ang mga hamong kinaharap niya, at kung paano niya ito hinarap at napagtagumpayang lahat.

-Remy Umerez