Nilinaw kahapon ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) na hindi hepe ng Pasig Police Community Precinct (PCP) ang sinibak sa puwesto ni Police Chief Supt. Alfred Corpus kamakalawa dahil sa maruming presinto.

Ayon sa EPD, si Police Senior Insp. Angelbert Dumaging, ay hepe ng Greenhills PCP sa San Juan at hindi ng Pasig PCP.

Una rito, binisita ni Corpus ang Greenhills PCP, na pinamumunuan ni Dumaging, at nadismaya ito nang makitang marumi ang pinamumunuan nitong presinto, dakong 11:00 ng gabi nitong Lunes.

Hindi rin agad nakontak ni Corpus si Dumaging at hindi rin nag-return call, sanhi upang magdesisyon na ang district director na sibakin siya sa puwesto at sampahan ng kasong administratibo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Dumaging ay pinalitan sa puwesto ni Police Sr. Insp. Edgar Escresa.

-Mary Ann Santiago