MOSCOW (AP) — Naitala ni Cristiano Ronaldo ang kasaysayan sa European football sa naiskor na goal para sa 1-0 panalo ng Portugal laban sa Morocco nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

HUMIRIT ng header si Ronaldo para kanyang ika-58 goal bilang miyembro ng Portugal. (AP)

HUMIRIT ng header si Ronaldo para kanyang ika-58 goal bilang miyembro ng Portugal. (AP)

Bunsod ng kabiguan, nakamit ng North African team ang pagiging unang koponan na nasibak sa World Cup.

Ang header ni Ronaldo sa ikaapat na minuto ang ikaapat niyang goal sa torneo sa kasalukuyan at ika-85 para sa Portugal, apat para lagpasan ang marka ni Hungary great Ferenc Puskas, at solong ikalawa kay Iranian Ali Daei na nakapagtala ng 109 goals.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Maraming pagkakataon ang Morocco na makaiskor, ngunit tinamaan ng malas ang kanilang pagtatangka na halos lahat ay ‘makeable goal’. Dalawang beses na naharang ang goal ni Younes Belhanda ni Portugal goalkeeper Rui Patricio, habang tumama sa ibabaw ng goal ang tira ni Mehdi Benatia.

Sa Rostov-on-don, isang goal ni Luis Suarez ang naging dahilan sa mapait na kapalaran ng dalawang na koponan sa group stage.

Naibigay ng controversial striker, naglalaro sa ika-100 pagkakataon sa Uruguay, ang 1-0 panalo kontra Saudi Arabia para makasiguro ng spot sa round of 16.

Bunsod ng panalo, nasiguro rin ng host Russia ang pagkakataon sa susunod na round, habang sibak na ang Saudi Arabia at Egypt.

Naiskor ni Suarez, napatalsik sa laro sa nakalipas na World Cup bunsod ng pangangagat sa karibal, ang corner kick mula sa pasa ni Carlos Sanchez sa ika23 minuto para sa kanyang ika-53 goal para sa bansang Uruguay.

“We are more than proud because we’ve reached the knockout stage at three successive World Cups. It’s a beautiful moment and we want to enjoy it,” pahayag ni Suarez. “We still haven’t hit our stride so we need to tweak some things.”

Kapwa may tig-anim na puntos ang Uruguay at Russia para makausad sa Round of 16. Magtutuos sila sa Lunes (Martes sa Manila) sa Samara para sa top seed sa Group A.