Napatay ng awtoridad ang umano’y kilabot na kriminal sa anti-criminality operation sa Las Piñas City, kahapon.

Tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na patuloy pa ring kinikilala.

Ayon kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Marion Balonglong, naglatag sila ng police operation sa Camachile Dulo, Barangay Almanza Uno sa nasabing lungsod, dakong 12:15 ng madaling araw.

Namataan ng mga pulis ang suspek sa lugar at bigla umano itong tumakbo sa mobile patrol car bago pinutukan ang mga una at nauwi sa engkuwentro hanggang sa bumulagta ang huli.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha sa pinangyarihan ang isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang itim na hand bag at isang magnum .22 arminus revolver.

-Bella Gamotea