Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa awtoridad sa buy-bust operation, iniulat kahapon.

Sa report ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala ang suspek na si Christian Cabrillos, 20, residente ng Barangay Lapu-Lapu R. Castillo Agdao, sa Davao City.

Sa operasyon kamakalawa, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek nang malaman na pulis ang katransaksiyon.

Isugod pa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang suspek, ngunit idineklarang dead on arrival sa tinamong tama ng bala sa ulo at tagiliran.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober mula sa suspek ang pakete ng iligal na droga at P500 marked money.

-Fer Taboy