Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang itinuturong lider ng kilabot na Soriano Robbery Group, sa loob mismo ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Batay sa report ng MPD-Station 5, ganap na 10:00 ng umaga nang arestuhin si Melvin Soriano, 25, ng San Antonio Street, Maynila, ng MPD intel tracker team, sa pangunguna ni Senior Insp. Salvador Iñigo Jr. sa ikalimang palapag ng Manila City Hall.

Pinosasan si Soriano sa bisa ng warrant of arrest sa kasong theft, na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.

Dinala ang suspek sa ospital para isailalim sa medical examination saka binitbit sa MPD- Station 5 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mary Ann Santiago