DALAWANG up-and-coming American rappers, sina XXXTentacion at Jimmy Wopo, ang napatay nitong Lunes sa magkahiwalay na pamamaril malapit sa Miami at Pittsburgh, iniulat ng pulisya at ng local media.
Sa Florida, inihayag ng Broward County sheriff’s office na binaril si XXXTentacion, 20, habang paalis sa motor sports dealership sa Deerfield Beach, 40 miles (64 km) north ng Miami.
Inihayag kalaunan na binawian ng buhay ang rapper, na ang tunay na pangalan ay Jahseh Dwayne Onfroy, ayon sa sheriff’s department.
“The adult male victim has been confirmed as 20-year old Jahseh Onfroy, aka rapper #XXXTentacion,” tweet ng sheriff’s department.
Kaagad namang tumakas ang dalawang lalaki na lulan sa dark-colored SUV makaraang paputukan ng isa sa mga ito ang rapper, at ayon sa mga imbestigador ay posibleng robbery ang motibo sa krimen.
Hindi naman kaagad nagbigay ng komento ang kinatawan para kay XXXTentacion.
Nag-release ng debut album si XXXTentacion noong Agosto nang nakaraang taon. Ang kanyang second album naman na ? ay naging No. 1 sa Billboard 200 album chart nang ilabas ito noong Marso.
Isinilang at lumaki si XXXTentacion sa Plantation, Florida. Ayon sa media reports, nakulong na siya at napasok sa youth detention centers at naghihintay ng trial para sa domestic violence laban sa kanyang buntis na girlfriend.
Nagbigay-pugay naman sa kanyang pagkamatay ang hip-hop community, kabilang si Kanye West: “Rest in peace I never told you how much you inspired me when you were here thank you for existing,” tweet ni Kanye.
Sa pangalawang insidente, binawian din ng buhay si Wopo sa double shooting sa Pittsburgh, iniulat ng Pittsburgh Post-Gazette at ng local television stations. Hindi ibinigay ang detalye ng pamamaril.
Sa isang pahayag sa kanyang Facebook page, nag-post ang manager ni Wopo, si Taylor Maglin ng, “I lost my brother today and it’s the worst feeling in the world. He was destined for greatness and he wanted the best for his friends, family and community.”
Ikinokonsidera si Wopo, 21, na Travon Smart ang tunay na pangalan, na rising star sa Pittsburgh rap scene at ang kanyang 2016 Elm Street music video ay nakakuha ng mahigit six million views sa YouTube.
-Reuters