Dead on arrival sa ospital ang isang 31-anyos na rider nang sakalin at gulpihin ng mga residente dahil sa away-trapiko sa kahabaan ng Bintawan Road, P-2, Barangay San Luis, Solano, Nueva Viscaya.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Querimit, sampung katao ang kakasuhan ng murder sa pagpatay kay Roland Dexter Badua, residente ng P-5, Bgy. Aggub, Solano.

Ayon kay PO3 Querimit, bandang 8:34 ng gabi nitong Hunyo 9 ay pauwi na ang biktima sakay sa kanyang motorsiklo, kasama ang kanyang dalawang kapatid na lalaki, nang muntikan nang mabangga ng isang sasakyan dahilan upang bumaba sa motorsiklo ang biktima at komprontahin ang drayber ng sasakyan.

Pinagtulungan umanong gulpihin ang biktima ng grupo ni Khryzl John Pascua, 20, na bisita umano ang may-ari ng sasakyan.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Samantala, kinasuhan ng murder ang dalawang sangkot sa insidente habang 8 katao pa ang posibleng kasuhan din ng murder. (Liezle Basa Iñigo)