Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Army vs PLDT (men’s)

2:00 m.h. -- Tacloban vs Iriga-Navy (women’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4:00 n.h. -- Pocari-Air Force vs BanKo-Perlas (women’s)

6:00 n.h. -- PetroGazz vs BaliPure (women’s)

MAKALAPIT sa target na semifinals berth ang asam ng Pocari-Air Force sa pagsabak kontra BanKo-Perlas sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Hangad ng Lady Warriors na makamit ang ikatlong sunod ma panalo sa ginaganap na single round phase sa pagtutuos nila ng Perlas Spikers ngayong 4:00 ng hapon.

Sa panig naman ng Perlas Spikers na dugtungan ang naitalang straight-set na panalo kontra Tacloban Fighting Warays noong nakaraang weekend para palakasin ang tsansang makasama ng naunang semifinalists Creamline at PayMaya.

Sa isa pang laro, asam din ng BaliPure-NU, na masundan ang panalo nila kontra Iriga-Navy sa loob ng limang setss sa pagtutuos nila ng PetroGazz ganap na 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan