Isang canteen owner ang sinaksak ng kanyang kapitbahay nang hindi makapagpahiram ng lighter sa Paco, Maynila, nitong Martes ng gabi.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital si Melvin Rempis, 42, ng 1735-C Zamora Street, sa Paco, habang kusang-loob sumuko sa awtoridad ang suspek na si Renefer Adobe, 40, ng Zamora St., sa Paco.

Sa ulat ni Supt. Aquino Olivar, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 10, naganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima, dakong 6:45 ng gabi.

Nagtungo umano ang suspek sa bahay ng biktima at nanghiram ng lighter para sindihan ang kanyang sigarilyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, hindi umano nakapagpahiram ang biktima dahil wala itong lighter noong oras na iyon.

Umalis ang suspek at sa ina naman ng biktima nanghiram ng lighter at wala ring napahiram.

Dahil dito, tinabig ng suspek ang ginang at nakita ng biktima at ipinagtanggol ang ina hanggang sa nanaksak ang suspek.

-Mary Ann Santiago