CAMP NAKAR, Quezon – Dalawampu’t dalawang miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) mula sa Sub-Regional Yunit Guerrilla, Komiteng Probinsya 3- Sorsogon, sa ilalim ni Jeffrey Benzon Q Hazel alyas Pita, ang sumuko sa 903Bde sa pamamagitan ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Rangas, Juban, Sorsogon, Southern Luzon Command (SOLCOM) nitong Linggo, bandang 1:30 ng hapon.

Ayon kay Lieutenant General Danilo Pamonag, commander ng SOLCOM, isinuko rin ng 22 rebelde ang isang M653 rifle; isang M14 rifle; isang KG9; carbine; at tatlong cal. 45 pistols.

Sinabi ni Brigadier General Greg Almerol, commander ng 903rd Brigade, ang matagumpay na pagsuko ng mga rebelde ay dahil sa patuloy na negosasyon sa tulong ng ibang ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.

Base pa sa ulat, inilipat ang mga sumuko sa Camp Ola, Legazpi City para sa custodial debriefing.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Danny J. Estacio