Bugbog-sarado sa taumbayan ang isang kawatan nang hablutin nito ang cell phone ng isang menor de edad sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong robbery snatching si Jomar Sausero, 28, ng Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Base sa report, hinablot ng suspek ang cell phone ng isang batang lalaki sa kahabaan ng La Mesa Dam, sa Bgy. Ugong, bandang 9:00 ng umaga.

Maraming nakakita sa ginawa ni Saucero kaya hinabol siya at kinuyog.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpositibo rin umano si Sausero sa paggamit ng ilegal na droga at siya rin ang itinuturong utak ng jumper sa C-5 sa Bgy. Ugong.

-Orly L. Barcala