Plano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mailatag na ang Free Internet Access Program sa 10,000 lugar sa bansa bago matapos ang taon.

Tiniyak ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. na mabibigyan ng libreng Internet access ang lahat ng lalawigan sa bansa.

Ayon kay Rio, target ng kagawaran na makapagpakalat ng 200,000 access points pagsapit ng 2022.

Mandato ito ng DICT sa ilalim ng Republic Act 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sakop nito ang mga pambansa at lokal na ahensiya ng gobyerno, gaya ng mga paaralan, ospital, parke, libraries, mga paliparan at pantalan.

Inamin ng DICT na nagkaroon ng ilang problema kaya nabalam ang nasabing proyekto.

-Beth Camia