Dapat ipakita ang magagandang lugar sa Pilipinas upang mahikayat ang mga turista na puntahan ang mga ito at mapasigla pa ang turismo sa bansa.

Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 7510, na nag-aatas sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) na mag-imprenta ng mga postage stamp na nagtatampok sa mga tourist destination sa Pilipinas.

Sa “Philippine Tourism Stamps Act” ni Rep. Eric Olivarez, inaatasan ang PHLPost na makipag-ugnayan sa Department of Tourism at Tourism Promotions Board para sa “identification, illustration and labeling of the tourist attractions and destinations to be depicted in the postage stamps.” - Bert de Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador