May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Suporta sa sis ni ex-jowa? Kathryn Bernardo, gumastos daw para sa PBB journey ni Lella Ford

Suporta sa sis ni ex-jowa? Kathryn Bernardo, gumastos daw para sa PBB journey ni Lella Ford
Photo courtesy: Screenshot from Wilfredo Fred (FB)/MB File Photo

Nahingan ng reaksiyon si "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0" Kapamilya Big Winner Lella Ford kung anong masasabi niyang umano'y naglabas daw ng pera si Kapamilya star at Asia's Outstanding Superstar Kathryn Bernardo para sa naging journey ni Lella sa nabanggit na reality show.

Sa panayam kay Lella ng digital creator na si Wilfredo Fred, natanong si Lella kung anong masasabi niya sa rumors na nagpaluwal ng pera si Kath para sa votation sa kaniya para umabot sa Big Night.

Si Kathryn ay ex-girlfriend ng kuya ni Lella na si Daniel Padilla, na anak naman ni Karla Estrada.

Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila noong Nobyembre 30, 2023 na talaga namang pinag-usapan ng sambayanan. Naging magkarelasyon ang KathNiel sa loob ng 11 taon.

Maki-Balita: 'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Samantala, pag-amin ni Lella, wala raw siyang ideya kung totoong ginawa ito ni Kathryn para sa kaniya.

"Hindi ko po alam if naglabas po si Ate Kath ng pera, thank you so much," pasasalamat ni Lella.

"Actually, thank you, hindi ko po alam 'yon eh," sundot pa niya.

Sinegundahan pa siya ng tanong kung may komunikasyon pa raw sila ni Kath, kahit na hiwalay na sila ng kaniyang kuya.

"As of... hindi po, sobrang busy po no'n ni Ate Kath, so hindi pa po kami nakakapag-usap lately," sagot ni Lella.

Matatandaang matapos ang break-up ng KathNiel, napababalitang ang bagong girlfriend ni DJ ay si Kaila Estrada, at si Kathryn naman ay nauugnay kay Lucena City Mayor Mark Alcala.