Pinaniniwalaan ng pulisya na pinagbabaril muna ang isang obrero bago itinapon ang bangkay nito sa isang creek sa Barangay Baesa, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gary Sison, 35, ng Upper Pajo, Sitio Mendez, Bgy. Baesa, Quezon City.

Halos hindi mabilang ng pulisya ang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Sa inilabas na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, natagpuan ni Daniel Bosar, purok leader ng Sitio Mendez, ang bangkay ni Sison na lumulutang sa creek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang siyasatin ng mga imbestigador, tadtad ng tama ng bala ang biktima na pinaniniwalaang sanhi ng kamatayan nito.

Posible umanong pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa nasabing barangay upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

-Jun Fabon