TALAVERA, Nueva Ecija – Dead on the spot ang umano’y carnapper sa follow-up operation ng intelligence team ng Talavera Police sa Barangay San Miguel Na Munti sa bayang ito, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Joe Neil E. Rojo, hepe ng Talavera Police, ang nasawing suspek na si Mark Angelo Joaquin y Cambaya, 29, ng Bgy. Padre Crisostomo, Cabanatuan City.

Natunugan umano ni Joaquin na may mga pulis na nakasunod sa kanya nang makipag-deal sa isang buyer ng motorsiklo at pinaputukan ang awtoridad at nagbarilan hanggang sa bumulagta.

Narekober sa pinangyarihan ang isang cal. 38 revolver; dalawang bala; 4 na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol; sigarilyo; dalawang piraso ng hinihinalang marijuana.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabawi rin ang umano’y ninakaw ng suspek na motorsiklo.

-Light A. Nolasco