Nababahala ang grupo ng mga private schools sa panukalang itaas ang national minimum wage at paggigiit ng grupo ng mga guro na dagdag suweldo dahil magreresulta ito sa pagkakabangkarote ng mga pribadong paaralan.
Para sa Federation of Associations of Private Schools & Administrators (FAPSA), kapag itinaas sa P750 ang minimum na suweldo magbubunga ito ng patuloy na pagsasara ng mga pribadong paaralan.
“We are apprehensive that with the proposed P750 minimum wage, the most lucrative job is public school teaching while the poorest earning job is with the private schools,” sinabi ni FAPSA President Eleazardo Kasilag.
Ipinanukala ito ng Makabayan party-list bloc sa House Bill (HB) No. 7787 dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act sa presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ang pagkakaiba-iba ng suweldo sa mga rehiyon.
Ngunit para sa FAPSA, ang P750 minimum wage “shall render the private schools bankrupt” kasabay ng hiling na dagdag suweldo ng public school teachers.
“Our counterparts in the public schools have always a mouthful to say when it comes to salary hike in spite of 13th and 14th month pay with representation allowances, security of tenure, also retirement benefits that dwarf what we have in the private school,” ani Kasilag.
Nagde-demand ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na itaas ang suweldo ng entry level teachers sa P30,000. Nananawagan naman ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ng P10,000 across-the-board salary increase para sa public school teachers.
Sinabi ni Kasilag na magpapatuloy ang paglilipatan ng mga guro papuntang public schools dahil sa mas mataas na suweldo at mga dagdag na benepisyo na magreresulta sa pagsasara ng maliliit na private schools.
“But making us close will make education really bad,” aniya.
Kapag nagsara ang mga pribadong paralan, lalong magsisisiksikan sa mga pampublikong paaralan ang mga estudyante, “where learning shall be difficult to deliver and never lighten the workload teachers and render the pendulum between annual pay hike and street protests keep swinging,” ani Kasilag.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si DepEd Secretary Leonor Briones sa “phenomenon of small private schools closing” dahil sa kakulangan ng enrolees at paglipat ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Sinabi niya na tinitingnan din ng DepEd ang ugat ng problema dahil ang mga pribadong paaralan “have their own functions and their own contributions.”
-Merlina Hernand o-Malipot