INAMIN ni Kris Aquino sa live video na ipinost niya tungkol kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na marami ang nakapanood at nakisimpatiya sa kanya, kaya sumagi sa isip niyang puwede niyang gamitin ang kanyang social media accounts para pakinggan siya ng masa kapag pinasok niya ang pulitika.

“’Yung sinabi ko kagabi na may boses ako, na binigyan n’yo ako ng boses, totoo naman ‘yun, eh. Nag-iisip ho talaga ako ngayon, sincere ito, paano ko ba magagamit ang boses na ‘yan? Dahil nakikinig kayo sa ‘kin.

“Ang Facebook (live video) alone, I was told that had live, has had more than five million views. So maybe my voice matters.”

Pero kaagad ding sinabi ng social media influencer na may mga kontrata siyang pinirmahan na hindi niya puwedeng pasukin ang pulitika.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“I have contracts, contracts that prevent me from running, contracts that I just signed,” sabi pa ni Kris sa FB live. “But maybe you need a voice. I’ll pray. I will pray about what is best for me to do.”

Dagdag pa niya, “Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy n’yo akong pakinggan. Kasi ‘pag naging parte na ako ng Senado, sasabihin n’yo, naging kagaya lang ako nila.

“E, ngayon, pantay-pantay tayong lahat. Siguro ‘yon, e. Dun ko tatapusin ito.

“Pantay-pantay tayong lahat. Lahat tayo naranasan na nating maapakan. Lahat tayo naranasan nating bastusin ang dignidad natin.

“Pero hindi ako pinalaki para sumuko. Kahit gaano kapagod. Pero hindi rin ako pinalaki para mambastos.”

Muli ring nanawagan si Kris kay Special Assistant to the President Bong Go. “Nanawagan na lang ako don sa isang taong nakinig sa ‘kin, Sir Bong Go, alam kong aabot ito sa iyo, hinihingi ko sa iyo, ‘yung sinabi ko na ikaw lang ang may kapangyarihan na puwedeng mangyari yon. Sana gawin mo, dahil umaasa ako sa iyo.”

-Reggee Bonoan