Patay ang isang lalaki nang taniman ng bala sa ulo ng riding-in-tandem habang nagkukumpuni ng bakod sa Baras, Rizal, nitong Martes.

Dead on arrival sa hindi tinukoy na pagamutan si Nonilon Ferrer, nasa hustong at residente ng Barangay San Salvador, sa Baras.

Mabilis namang nakatakas ang mga hindi nakilalang suspek lulan ng berde at dilaw na Yamaha Mio 125 motorcycle.

Batay sa ulat ng Baras Municipal Police, dakong 10:30 ng umaga at inaayos ng biktima ang bakod ng kanilang bahay nang biglang dumating ang mga suspek.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Kaagad na bumaba umano ang back rider, bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima saka tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpatay.

-Mary Ann Santiago