Hindi lubos maisip ng isang lalaki na ang bisyo niya ang magpapahamak sa kanya nang masamsaman ng baril, mga bala at droga sa Barangay Barangka, Marikina City, nitong Linggo ng gabi.

Kasong paglabag sa City ordinance (no smoking), Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Law) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ni Randy Rhey Viray, ng naturang lugar.

Sa report ng Marikina City Police, naaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis ang suspek na naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Bonifacio Ave., Bgy. Barangka, dakong 10:00 ng gabi.

Sinita ng mga pulis ang suspek dahil sa paglabag sa ordinansa, at nang kapkapan ay nahulihan pa ito ng isang pakete ng umano’y shabu at isang kalibre .38 na baril na may limang bala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mary Ann Santiago