Aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang masunog ang kanilang lugar sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Sa report ng Muntinlupa City Fire, nangyari ang sunog sa residential area sa nasabing barangay, dakong 11:10 ng umaga.

Sa paunang impormasyon, sinabi ng arson investigator na sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Cristy Villar.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na naapula dakong 1:57 ng hapon.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Naiulat din ng imbestigador na nasa 200 bahay ang naabo sa insidente.

-Jonathan M. Hicap