Warriors, 2-0 abante sa Cavaliers

OAKLAND, California (AP) — Walang mintis na free throw. Walang krusyal na pagkakamali. Pawang Stephen Curry show ang nangibabaw sa Game 2 ng NBA Finals.

Pinahanga ni Curry ang Dub Nation sa kahanga-hangang shooting prowess para daigin si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers, 122-103, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa 2-0 bentahe ng Golden State Warriors sa best-of-seven Finals.

Hataw ang two-time MVP sa naiskor na 33 puntos, tampok ang NBA Finals-record na siyam na three-pointers, para tuluyang tanganan ng Warriors ang momentum patungo sa Quiken Loans Arena sa Cleveland para sa Game 3 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s hard to think back to all the games, but he was tremendous — nine 3s and seemed to hit a big shot every time we needed one,” pahayag ni coach Steve Kerr. “He was fantastic.”

Matindi rin si Kevin Durant sa nakubrang 26 puntos, siyam na rebounds at pitong assists, habang matibay na depensa ang ibinakod kay James sa kabuuan ng laro. Nag-ambag si Klay Thompson ng 20 puntos.

Sinundan ni James ang impresibong 51-point performance sa Game One sa nailistang 29 puntos, 13 assists at siyam na rebounds sa larong lutang ang kakulangan sa suporta ng mga kasangga.

Kumubra si Kevin Love ng 22 puntos at 10 rebounds.

Pinakatampok na tira ni Curry ang off-balance sa layong lagpas sa three-point area at sa harap ng mahabang kamay ni Love may 7:54 ang nalalabi sa laro. Naulit niya ito sa 5:44 sa laro nang makumpleto ang four-point play mula uli a depensa ni Love.

“He makes tough shots, that’s what he does,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue said. “Once he releases it and he sees the basket, he usually makes it.”

Nag-ambag si JaVale McGee ng 12 puntos mula sa perpektong six-of-six para s akanyang unang career NBA Finals start as Kerr.

Nakamit ng Warriors ang 124-114 overtime win sa Game 1 nitong Huwebes na tinampukan ng kapalpakan ni J.R. Smith na nagdribble palayo imbes na itira ang bola na posibleng sanang game-winning nangmakuha ang rebounds sa mintis na free throw ni George Hill.

Sinalubong ng hiyawan ng fans si Smith ng “M-V-P!” na hayagang pang-aasar sa beteranong guard.