SA kasalukuyan, nakapagtala na ang Department of Education (DepEd) ng 89,000 enrolees sa Alternative Learning System (ALS) na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon ng mga kabataang nahinto sa pag-aaral at mga may edad na.

“I’m very happy that we have an additional activity, which is the acceptance of enrollees in our Alternative Learning System. As of today, we have already around 89,000 enrollees all over the country inAlternative Learning System,” pahayag ni Briones kamakailan, kasabay ng pagmamalaking patuloy na tumataas ang bilang ng mga nais mag-aral sa Alternative Learning System.

“We thank everyone for campaigning for this very special program, which is also close to the heart of our President,” dagdag pa ni Briones.

Sa naunang panayam , sinabi ni Department of Education Assistant Secretary GH Ambat na may 300,000 mag-aaral na ang naka-enrol sa programa sa buong bansa, na karamihan ay mula sa rehiyon ng Bicol, Davao, Cagayan Valley, at Soccsksargen.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Dagdag pa ni Ambat, ang programang Alternative Learning System ay isang “second chance education” para sa mga may edad at mga kabataan huminto noon sa pag-aaral dahil sa pagkakasakit, problema sa pamilya, maagang pagbubuntis at pangangailang makapagtrabaho. (PNA)