PUNONG-PUNO ng aksiyon ang unang araw ng Ayala-Philippine Athletics Championship kung saan nagwagi ng gintong medalya sina RP Team-City of Ilagan’s John Albert Mantua sa men’s shot put at si Philippine Army’s Richard Salaño sa 3,000m Stepplechase, habang pumarada ang liyamadong Fil-Am bet na si Cris Cray (kanan). (RIO DELUVIO)

PUNONG-PUNO ng aksiyon ang unang araw ng Ayala-Philippine Athletics Championship kung saan nagwagi ng gintong medalya sina RP Team-City of Ilagan’s John Albert Mantua sa men’s shot put at si Philippine Army’s Richard Salaño sa 3,000m Stepplechase, habang pumarada ang liyamadong Fil-Am bet na si Cris Cray (kanan).
(RIO DELUVIO)

Army runners, nangibabaw sa SEA Games champions

ILAGAN CITY – Ginulat ng dalawang Philippine Army bets ang mas beteranong karibal sa unang araw ng aksiyon sa 2018 Ayala Philippine Athletics Championship kahapon sa Ilagan City Sports Complex dito.

Nahubog at napatatag nang mahigit dalawang buwang pagsasanay sa bulubunduking training camp sa Baguio City, sa pangangasiwa ni PA Wellness Center- Special Services Center commanding officer Col. Antonio John Divinagracia, tinibag nina PFC Richard Salaño at Macrose Dichoso ang mga dating Sea Games champion na karibal sa 3,000-meter at 10,000-meter run, ayon sa pagkakasunod.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nanaig ang 26-anyos na si Salaño, mula sa Marilao, Bulacan, laban kay two-time SEA Games champion (2013 Myanmar at 2015 Singapore edirion) Christopher Ulboc, Jr. sa tyempong siyam na minuto at 23.21 minuto. Sumegunda si Ulboc sa oras na 9:39.43, habang bronze medalist si Jomar Angus ng De La Salle University (9:57.91).

“First kilometer tinantiya ko lang muna. Kabado rin ako kasi sabi nila runner, runner lang ako. Pero nang makita kong mas malakas yata ang training ko sa pang-apat na ikot, lumayo na ako,” pahayag ni Salaño, gold medalist sa Central Luzon Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 76 Most Valuable player.

“Wala, kulang na kulang pa sa training,” naibulalas lamang ni Ulboc, sinasanay para sa darating na Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto.

Itinataguyod ang trackfest ng Ayala Corporation, sa pakikipagtulungan ng City of Ilagan, Milo, Philippine Sports Commission, Foton, Cocolife, Rebisco at F2 Logistics.

Ginapi naman ni Dichoso sa 10,000-meter run ang kapwa Army Lady tropper member at dating SEA Games (2009) marathon champion Jho-An Banayag sa tyempong 39:41. Naiwan niya si Banayag na tumawid sa finish line na may 30.87 segundo ang layo, habang bronze medalist si Lany Adaoag ng Team Titus (42:13.86).

Nagpamalas naman ng kahandaan si national team member John Albert Mantua nang maitala ang personal-best throw na 15.85 meters para pagharian ang men’s shotput.

Naungusan ni Mantua, bronze medalist sa nakalipas na Taiwan Athletics Open nitong May 25, sina Brynoth Alarick Larry (14.32) at Zulkifli Bin Saldin (14:09) ng Sabah, Malaysia Team.

“Mas maganda ngayon kasi na-break ko ‘yung personal record ko. Napaghandaan din. Simula last year pa tuluy-tuloy lang ang naging training ko. Full-time athlete kasi,” pahayag ng 25-anyos na pambato ng Gen. Santos City at four-time National Collegiate Athletic Association shot put champion at two-time NCAA MVP.

Sa iba pang resulta, nakopo ni Eduard Josh Buenavista, anak ni two-time Olympic marathon bet Eduardo, ang 3,000-meter steeplechase junior class sa oras na 9:52.07. Ginapi ng incoming Brent International School-Laguna Grade 11 student sina RR-UP Team members German Marcelo (9:52.93) at Nathaniel Morales (9:57.44).

Sa Masters 5,000m, nangibabaw sina Shahani Basa ng La Union (26:13.13, 30-34 age group), Nhe Ann Barcena (19:42.10, 35-39), Maricar Gammad of Team Ilagan (23:27.73, 40-44), Judith Staples of Soleus LTimeStudio Team (32:04.04, 45-49), Lorna Pagsiat (32:26.15, 55-59) and Lorna Vejano of Soleus-L TimeStudio Team (31:45, 60 & up).