Isang social media manager ang nabiktima umano ng kilabot na “Basag Kotse” gang sa Makati City, nitong Martes ng gabi.

Nanlulumong nagtungo sa himpilan ng Makati City Police si Raphael Lorenzo Romero Florencio, 30, binata, ng Alabang Hills Village, Muntinlupa City, upang i-report ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi nang ipinarada ni Florencio ang kanyang pulang Peugeot car (AAX-4303) sa Barangay Urdaneta sa Makati.

Pero nang balikan niya ito ay nadiskubre niyang basag na ang kanang bintana ang kotse at nawawala na ang kanyang brown bag, Macbook Pro laptop computer, tablet computer, ilang libro at gadgets.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at follow-up operation ang awtoridad sa insidente.

-Bella Gamotea