CAMP VICENTE LIM, Laguna - Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay sa magkahiwalay na anti-narcotics operation sa Laguna, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Police Regional Office in Calabarzon regional director Chief Supt. Guillermo Eleazar, kinilala ang dalawa sa napatay na sina alyas Duterte at Jeffrey Tanaya. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.

Nakaengkuwentro ng Cabuyao City police si Duterte at ang ‘di pa nakikilalang suspek sa buy-bust operation sa Depente Road, Barangay Banay-Banay, dakong 2:15 ng madaling araw.

Natunugan umano ni Duterte na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya nagpaputok ng baril hanggang sa nagkabarilan at bumulagta ang dalawa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nanlaban naman umano si Tanaya sa San Pablo City police sa buy-bust operation sa Bgy. Concepcion, dakong 2:15 ng madaling araw.

-Danny J. Estacio