Pito sa siyam na brand ng sardinas at isang brand ng corned beef ang nagtaas na ng presyo.

Kinumpirma ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na aabot sa P1-P2 ang hinirit na idagdag sa presyo ng mga de-latang pagkain.

Gayunman, 50 sentimos lang ang inaprubahang dagdag-singil sa sardinas, habang 55 sentimos naman ang dagdag sa presyo ng isang brand ng corned beef.

Bukod sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, nakaapekto rin sa dagdag-presyo sa de-lata ang distribution cost, at pagtaas ng presyo ng krudo at ng raw materials.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Beth Camia