Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na pormal nang kinasuhan ng murder sa Tagbilaran City Prosecutor’s Office nitong Lunes ng hapon, ang tatlong suspek na bumaril at pumatay kay Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol.

Sinabi ni Albayalde na batay sa natanggap niyang report mula sa Buenavista Municipal Police, na pinamumunuan ni Chief Insp. Rolly Lauron, kinasuhan na ang tatlong suspek sa pagpatay sa alkalde makaraang magbigay at makumpleto ang affidavit ng mga bodyguard at mga saksi sa krimen sa isang sabungan nitong Linggo.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO)-7 ang isa sa mga suspek na si Elmer Melencion, alyas “Eti”.

Ayon kay Lauron, ang mga suspek ay miyembro umano ng gun-for-hire group sa Central Visayas.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Kumpiyansa ang pulisya na matibay ang pinanghahawakan nitong ebidensiya, dahil positibo umanong kinilala ng mga saksi ang mga pumatay kay Tirol.

-Fer Taboy