GABALDON, Nueva Ecija - Arestado ang dalawang hinihinalang arsonista sa panununog sa may 20-ektaryang kagubatan sa Sitio Dupinga sa Barangay Maalinao sa Gabaldon, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi, ayon sa pulisya.

Kinilala ng Gabaldon Police ang naarestong sina Milanio Obra y Quiban, 23, estudyante; at Danilo Nery y Quiban, 25, welder, kapwa residente ng Bgy. Comitang, Sto. Domingo.

Dakong 8:00 ng gabi nang mamataan ng mga miyembro ng Bantay Kalikasan na sina Erwin Santiago, 23; Elvis Agustin, 22; at Angelito Agumbay, 25, ang dalawang suspek na tumatakbo palayo sa lugar hanggang sa nagsimulang magliyab ang tuyong bahagi ng kagubatan.

Ayon kay Senior Insp. Jacqueline Gahid, provincial information chief ng Nueva Ecija Police Provincial Office, dinakip ang dalawa sa follow-up operations ng pulisya at kakasuhan ng paglabag sa RA 7370 (An Act to Discourage Restrictions of Forest) at PD 1630 (Anti-Arson Law).

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Light A. Nolasco