CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang dating pulis na nag-absent without leave (AWOL) ang inaresto sa anti-illegal drugs operation sa isang hotel sa Barangay Malabanias, Angeles City nitong Huwebes.

Sa ipinadalang ulat kay Chief Supt Amador V Corpus, regional police director, si Jorge Harrison Carin, dating Police Officer 1, ng No. 149, Santos Street, Purok 20, Bgy. Balibago, Angeles City at kabilang sa High Value Target list ng Angeles City Police ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 3, Angeles City Police Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit 3 at CIDT Angeles sa buy-bust operation nitong Huwebes, bandang 11:00 ng umaga.

Nakumpiska kay Carin ang apat na maliit na pakete ng umano’y shabu; dalawang pakete ng umano’y pinatuyong dahol ng marijuana; isang caliber .45 ARMSCOR pistol, na may serial number 1276876 at kargado ng 10 bala; aluminum foil; glass pipe; straw pipe, na may hinihinalang shabu residue; maliit na glass tube, na may hinihinalang marijuana residue; digital weighing scale; at P1,000 marked money.

Inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591 laban sa suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Mar T. Supnad