Tumaob ang isang pampasaherong bus na patungong Alabang, Muntinlupa City mula sa Batangas City, nang mawalan ng kontrol ang driver habang binabagtas ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Tanauan City, kahapon.

Ayon sa inisyal na report mula sa Police Regional Office (PRO)-4A, tumaob ang Dela Rosa Liner bus na patungong norte sa Kilometer 67, Barangay Bagumbayan, Tanauan.

Nawalan umano ng kontrol ang driver na si Joselito Nono, ng Bgy. Canlubang, Calamba City, nang umiwas ang bus sa nasa unahang behikulo, bandang 1:15 ng hapon.

Tumalsik ang bus sa kanal ng expressway hanggang sa tumaob.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kaagad namang isinugod ang lahat ng pasahero sa iba’t ibang ospital at walo ang kumpirmadong na-confine na kailangan ng tuluy-tuloy na gamutan.

-Lyka Manalo