Arestado ang umano’ y trusted aide ng pinatay na Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Isnilon Hapilon, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes ng hapon.
Kinilala ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang inarestong ASG sub-leader na si Hashim Abtaib, alyas Abu Imam.
Dinakma si Abtaib sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu noong Mayo 19 sa pinagsanib na operasyon ng composite teams mula sa PNP, sa pangunguna ng Intelligence Group (IG) sa Region 9 at inalalayan ng mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF), Sulu Provincial Office, at ang Philippine Army's 501st Brigade.
Sinabi ni Albayalde na si Abtaib ay akusado sa pitong magkakahiwalay na kasong kriminal na kidnapping at serious illegal detention.
Isinasangkot ang umano’y ASG sub-leader sa pagdukot sa 50 tauhan ng Golden Harvest Plantation at pamumugot sa sundalo sa Basilan noong 2001; at sa isang resort sa Sipada, Malaysia, dagdag ni Albayalde.
"The [Department of the Interior and Local Government] and PNP has offered a P600,000-reward for any information leading to his arrest. He was positively identified by one of his kidnapped victims in the Golden Harvest plantation incident," pahayag ni Albayalde.
Hi ndi ma k ump i rma n i Albayalde kung ang suspek ay may kinalaman sa pag-atake sa Marawi City, na ang unang anibersaryo ay ginunita kahapon, Mayo 23.
Ayon pa kay Albayalde, inilipat ang suspek mula sa Jolo, Sulu patungong Zamboanga City upang isailalim sa tactical debriefing at custodial investigation.
-Martin A. Sadongdong