Binaril at napatay kahapon ng mga armadong suspek ang isang retiradong prosecutor ng Ozamiz City sa Misamis Occidental, at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Sinabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na nakita ng mga testigo na apat ang pumatay kay Atty. Geronimo

Marabe. Jr. bandang 10:30 ng umaga kahapon sa Barangay 50th District sa Ozamiz City.

Ayon kay Chief Supt. Bulalacao, Nobyembre ng nakalipas na taon lamang nagretiro si Marabe bilang isa sa mga prosecutor ng Ozamiz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The victim was declared dead when he was taken to the hospital,” ani Chief Supt. Bulalacao.

Nangyari ang pag-atake kay Marabe ilang araw makaraang pagbabarilin at mapatay si Quezon City Prosecutor Rogelio Velasco sa Quezon City, at wala pang motibo ang pulisya sa insidente.

-Aaron Recuenco