Nahaharap sa kasong kriminal ang isang nanalong barangay kagawad matapos ireklamo ng pananakit ng kanyang ka-barangay sa Caloocan City.

Ayon kay si Ruben Morales, 31, sinampal siya ni Kagawad Antonio Cabrera ng Barangay 151 ng nasabing lungsod.

Aniya, nagalit sa kanya si Cabrera dahil hindi niya ito ibinoto nitong nagdaang Barangay at Sangguniang Kabtaan election.

Desidido umano si Morales na ituloy ang kasong slight physical injury laban kay Cabrera.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Pinabulaanan naman ni Cabrera ang alegasyon ni Morales at sinabing walang kinalaman sa pulitika ang kanilang hidwaan.

Sinabi ni Cabrera na kinausap niya si Morales at pabalang siya nitong sinagot.

-Orly L. Barcala