TARLAC CITY - Dahil umano sa hindi makayanang problema sa pag-ibig at sa kalusugan, nagpasyang tapusin ng isang binata ang kanyang buhay nang magbaril umano sa sarili sa Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Eduardo Hipolito ang nagpakamatay na si Romero Paler, 28, binata, tubong Tacloban City at stay-in security guard sa isang kainan sa lungsod.

Dakong 6:15 ng gabi nang nakita ng isang waitress sa kainan si Paler na nagkakarga ng bala sa baril nito sa kusina ng restaurant.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ng putok ng baril ang waitress hanggang nakita na lamang nilang nakabulagta na ang binata.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nauna umanong idinadaing ni Paler na may problema ito sa kalusugan at pag-ibig na posible umanong dinamdam nito.

-Leandro Alborote