Kalaboso ang isang retiradong US Navy officer makaraang ireklamo ng panggagahasa umano sa kanyang dalagitang pamangkin sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Supt. Benjamin Gabriel, Jr. ang nahaharap ngayon sa rape na si Manuel Llara, 56, retirado sa US Navy, at nakatira sa New Haven Village sa Barangay Kaligayahan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 5 na ganap na 11:00 ng umaga nitong Linggo nang magkasamang nagtungo sa isang mall sa Fairview ang suspek at ang 16-anyos niyang pamangking babae para kuhanin umano ang mga biniling party balloons, na wala naman pala.

Nabatid na tumuloy muna ang dalawa sa isang apartelle sa Quirino Highway, sa Bgy. Greater Lagro, at doon ginahasa umano ni Llara ang dalagita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Jun Fabon