SAN JOSE, Batangas - Binaril ng isang hindi nakilalang lalaki ang isang kapapanalo pa lang na barangay chairman sa San Jose, Batangas, kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Virgilo Jopia, hepe ng San Jose Police, ang biktimang si Demetrio Mendoza Deomampo, 51, bagong halal na kapitan ng Barangay Buso-Buso sa Laurel.

Dakong 8:25 ng umaga at sakay si Deomampo sa Isuzu Hi-Lander (VAB-761) nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa national highway ng Bgy. Pinagtung-ulan sa San Jose.

Pulitika ang isa sa mga anggulong sinisiyasat ng pulisya.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang nasa likod ng pamamaslang.

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!

Nakatakas ang mga suspek na armado ng .45 caliber pistol, sakay

sa itim na motorsiklo.

Sinabi ni Chief Insp. Jopia na dati nang naging kapitan ng barangay ang biktima, na bago muling nahalal na chairman nitong Lunes ay nagsilbing kagawad

-LYKA MANALO