SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Isang 15-anyos na lalaki ang nalunod sa Pampanga Rriver sa Barangay Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Hindi na nailigtas ng mga residente si Erickson Tobias, ng Purok Taranate, Bgy. Concepcion, Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa pagsisiyasat, dakong 4:30 ng hapon nang makihalubilo ang binatilyo sa mga menor de edad na naliligo sa ilog para mawala ang pagkalasing.

Napadpad umano si Tobias sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa malunod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Light A. Nolasco