GSIS PR/PNA

SIMULA Mayo 15, Martes, tatanggap na ang Government Service Insurance System (GSIS) ng aplikasyon para sa GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) program para sa lahat ng mga empleyado, kawani at guro na nasa pamamahala ng Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng programa, maaaring magpautang ang GSIS ng hanggang P500,000 sa lahat ng miyembro ng DepEd, upang mabayaran ang lahat kanilang utang sa mga pribadong lending institution.

“Instead of offering the GFAL to DepEd personnel in selected cities and municipalities on a pilot run, we decided to open it to all teachers and teaching personnel nationwide because we want more teachers to benefit from lower interest rate and better terms of payment from GSIS,” pahayag ni GSIS president at general manager, Jesus Clint Aranas nitong Biyernes.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Reduced interest rates and smaller amortization spell savings and higher disposable take home pay for our members. This will definitely lighten their load,” ani Aranas.

Sa ilalim ng GFAL, ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring makahiram nang hanggang P500,000 habang sinisiguro na hindi bababa sa P5,000 ang maiuuwing suweldo matapos ang buwanang kaltas. Kung higit naman sa isang lending institution ang pinagkakautangan ng miyembro, maaari itong pagsama-samahin at ibigay ang kabuuang halaga sa GSIS. Ang ahensiya na ang direktang magbabayad sa pribadong lending institution mula sa kinuhang loan ng miyembro sa GFAL

“This loan program is a balance transfer and debt-consolidation facility in one. It allows the members to take a second look at their spending habits -- if they are heavy borrowers, they might be spending beyond their means,” paliwanag ni Aranas. “The best thing about GFAL is that the borrowers will go through loan evaluation and counseling process and are required to attend the GSIS Financial Literacy Seminar before taking out the loan to adopt good money management practices.”

Lahat ng pampublikong guro at ang mga nagtatrabaho sa DepEd ay maaaring makakuha ng loan kung sila ay aktibong regular na miyembro ng GSIS na may permanent status at nakapagbayad na ng premium sa nakalipas na tatlong taon; hindi nakabakasyon ng walang bayad; may magandang rekord ng loan sa DepEd-accredited lending institutions; at walang utang na hindi pa nababayaran sa GSIS.

Ang miyembrong nais umutang ay kailangang walang nakabimbin na kasong administratibo o nakahabla maliban sa mga idenemanda ng mga pribadong pautangan dahil sa hindi pagbabayad ng loan, upang gawing prayoridad ang utang sa GSIS at sa Home Development mutual fund (Pag-IBIG) sa ilalim ng Department Order No. 38, s. 2017 noong Hulyo 31 ng nakaraang taon.

May anim na porsiyentong interes ang GFAL kada taon na una nang nakuwenta at maaaring bayaran nang hulugan sa loob ng anim na taon. Awtomatikong makakaltas sa suweldo ng miyembro ang bayad sa loan na walang processing fee. Ang pagkuha ng loan ay boluntaryo para sa lahat ng miyembro.