Ni Bert de Guzman
Tiniyak ng Kongreso na kikilos ito upang malutas ang problema sa karahasan laban sa mga bata sa pamamagitan ng pagsuporta sa Philippine Plan of Action to End Violence Against Children (PPAEVAC).
Ito ang siniguro ni House appropriations committee chairman, Davao City Rep. Karlo Nograles sa paglulunsad ng PPAEVAC sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Miyerkules.
“The House of Representatives, and Congress as a whole, is with you in this commitment to address violence against children,” bahagi ng talumpati ni Nograles sa nasabing okasyon.