Ni Orly L. Barcala

Patay ang isang ginang nang pasukin at pagbabarilin sa loob ng bahay ng isa sa tatlong suspek sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Gladys Gunade, 23, ng Phase 9, Package 2, Gawad Kalinga, Barangay 179, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Agad namang tumakas ang mga suspek at isa sa mga ito ay kinilalang si Anthony Calauas, 38, alyas Tony Mata, ng Phase 9, Package 1, Block 5, Bgy. 179, Bagong Silang.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Sa salaysay ni Jimmy Perez, kinakasama ng biktima, nagising siya nang magtungo sa kanilang bahay si Calauas, dakong 11:00 ng gabi.

Pilit umano siyang pinapalabas ng suspek, ngunit hindi ito lumabas at sa halip ay muling nahiga.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Calauas, kasama ang dalawang lalaki, at sapilitang binuksan ang pinto ng mag-live-in partner.

Sa pagbukas s a pinto, pinagbabaril ng suspek ang ginang na nahihimbing.

Ayon kay Perez, posibleng nagalit si Calauas kay Gunade sapagkat binato nito ang kambing ng suspek dahil kinakain ng hayop ang kanilang tanim na gulay.

Kasong murder ang isasampa laban sa suspek.