Ni Mary Ann Santiago

May maagang regalo ang Department of Transportation (DOTr) at ang mga kumpanyang nag-o-operate ng mga P2P bus para sa mga ina ng tahanan, kaugnay ng Mothers’ Day sa Linggo.

Ayon sa DOTr, simula nitong Mayo 9 hanggang ngayong Biyernes, Mayo 11, ay libre ang sakay ng mga nanay sa mga P2P bus, bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa kanilang pamilya at lipunan.

Nabatid na kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang mga P2P bus ng RRCG, na biyaheng Alabang Town Center-Greenbelt 1 at vice versa, sa pagitan ng 7:00 ng umaga at 3:00 ng hapon kapag galing sa Alabang, at mula 8:00 ng umaga at 4:00 ng hapon, kapag galing sa Greenbelt.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Libre rin ang sakay ng mga nanay sa mga P2P bus ng DNS na biyaheng UP Town Center-Glorietta 3 at vice versa, simula 5:30 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon kapag galing sa UP Town Center, at 5:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon kung galing sa Glorietta.