Ni Jun Fabon

Naglabas ng mahigpit na direktiba si Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Joselito T. Esquivel hinggil sa pagpapatupad ng Comelec gun ban, kasunod ng pananambang sa isang binata, iniulat kahapon.

Sa ipinarating na ulat kay Police Chief Supt. Esquivel, kinilala ang biktima na si Gerry Duagro Manzano, 32, ng No. 157 Sitio Pajo, Barangay Baesa, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), pinagbabaril ng mga armadong lalaki si Manzano habang naglalakad sa Sitio Mendez, Bgy. Baesa, sa ganap na 5:00 ng hapon kamakalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinai imbes t igahan sa CIDU-QCPD ang motibo sa krimen at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga armado.