Ni Fer Taboy

Isang hindi pa nakilalang lalaki ang napatay ng pulisya matapos umanong manlaban habang inaaresto sa Ibaan, Batangas, nitong Lunes ng gabi.

Ipinahayag ng Ibaan Municipal Police na nangyari ang insidente sa Barangay Sto. Niño, Ibaan, dakong 9:10 ng gabi.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot ng T-shirt, short pants, at itim na sombrero.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nauna nang nakatanggap ng reklamo ang pulisya kaugnay ng namataang isang lalaking armado ng baril at nakasakay sa motorsiklo.

Kaagad na naglatag ng checkpoint ang pulisya at nang maharang ang suspek ay kaagad umano nitong pinaputukan ang mga pulis na nakipagbarilan din.